Walang Kapalit



Akin ngang buhay, ikaw ang pinagmulan
Syam na buwan sa'yong tiyan ako'y lulan,
Mula pagkabata, ikaw ang naggabay
Kaya nararapat lang sayo'y magpugay.

Sa aking tula nais kong malathala
Puso mong makinang, daig pa ang tala,
Mahalaga ka sakin tulad ng hangin
Kaya't habang buhay kang pasisiyahin.

Sariwa pa nga sa aking ala-ala
Ang mga pangaral mong lagi kong dala,
Aking dunong, ikaw ang unang naghasa
Sa puso't-isipan ika'y nag-iisa.

Pagpapatawad, sayo'y napakadali
Pagmamahal mo, ako'y walang masukli,
Aking napagtanto, sarap man o pait
Ang aking Ina'y sadyang walang kapalit!!!

Comments

Popular posts from this blog

Makasalanang Saging

KAIBIGAN LANG PALA