KAIBIGAN LANG PALA
Labis akong nangungulila
Sa tuwing ika'y aking naaalala
Na para bang sa kahit anong tula
Sakit ng damdamin ko'y aking dala.
Sisihin ko man ang aking sarili
Dahil sa desisyon ako'y nagkamali
Kahit ako'y hindi mo pinili
Dasal ko, sana ika'y manatili.
Gustuhin ko mang balikan ang nakaraan
Alam kong wala ng paraan
Ngunit sakaling ako'y mapagbigyan
Lahat ng oras ko'y sayo ilalaan
Sana pala ako'y di nalang nagpadala
Sa damdamin kong di ko maikaila
Para akong batang hindi na nadala
Kahit ipinamukha na saking ako'y KAIBIGAN LANG PALA
Comments
Post a Comment