Makasalanang Saging




Sa unang sulyap, ang mga mata ko ay biglang nabighani,
Sa iyong mga saging na animo'y mga bagong ani.
Paumanhin, sapagka't ako'y di isang makata,
Pero dahil dito, ako ay nakagawa ng talata.



Napakakinis tulad ng binti ng isang binibini
Parang isang leeg na kaysarap lagyan ng chikinini
Marapatin mo sana, ika'y hubaran ng dahan dahan
Pangako ko sayo, labi ko'y iyo ng malalasahan.



Nakakapanghinayang, ika'y hindi nila matitikman,
Pilitin man ako, sila'y akin pading pagdadamutan.
Mawalan man ako ng kaibigan, wag ka lang maagaw,
Ahhhh, ahhhh, ahhhhh, kada tikim, yan ang aking laging sinisigaw!



Oh saging! anong klaseng hiwaga ang iyong dulot sakin?
Kayraming sakripisyo,upang ika'y mapasakin.
Ako sana'y pagbigyan pagka't ako ay mababaliw na
Makasalanang saging, isipin ka lang, ako'y nganga na!

Comments

Popular posts from this blog

KAIBIGAN LANG PALA

Walang Kapalit