Pangarap: Sa trabaho natupad
I.
Apat na taon ang sadyang kaybilis na lumipas,
Ngunit mga ala-ala'y di kailanman kukupas.
Tandang tanda ko pa ng sa ibex ay mapadaan,
Wala sa plano pero nakipagsapalaran.
II.
Buong araw na proseso ang matyagang inintay
Pagot, puyat, kaba, at mga binting nangangalay.
Lahat ay napawi nang kontrata'y pinirmahan,
Ni hindi na makatulog sa sobrang kasiyahan.
III.
Trabaho, yun lang ang alam ko na aking gagawin,
Pero pangarap ko'y dito ko pala tutuparin.
Pagsayaw taon taon ay aking inaabangan,
Libreng bakasyon bilang VIP, akin ding nakamtan.
IV.
Isa sa mga pangarap kong dito lang natupad,
Ang sana ay sa ibang bansa ako ay mapadpad.
Lahat ng gastos ng tatlong araw ay sagot nila,
Mag-isa man ako, ligaya ko'y di mawawala.
V.
Sa mga bagong aplikanteng ngayo'y nangangarap,
Wag mawalan ng pag-asa, sa kabila ng hirap.
Pagka't ang sakripisyo, maliit man o malaki,
Balang araw ay iyo ding maipagmamalaki.

Comments
Post a Comment