Posts

KAIBIGAN LANG PALA

Labis akong nangungulila Sa tuwing ika'y aking naaalala Na para bang sa kahit anong tula Sakit ng damdamin ko'y aking dala. Sisihin ko man ang aking sarili Dahil sa desisyon ako'y nagkamali Kahit ako'y hindi mo pinili Dasal ko, sana ika'y manatili. Gustuhin ko mang balikan ang nakaraan Alam kong wala ng paraan Ngunit sakaling ako'y mapagbigyan Lahat ng oras ko'y sayo ilalaan Sana pala ako'y di nalang nagpadala Sa damdamin kong di ko maikaila  Para akong batang hindi na nadala Kahit ipinamukha na saking ako'y KAIBIGAN LANG PALA 

Walang Kapalit

Akin ngang buhay, ikaw ang pinagmulan Syam na buwan sa'yong tiyan ako'y lulan, Mula pagkabata, ikaw ang naggabay Kaya nararapat lang sayo'y magpugay. Sa aking tula nais kong malathala Puso mong makinang, daig pa ang tala, Mahalaga ka sakin tulad ng hangin Kaya't habang buhay kang pasisiyahin. Sariwa pa nga sa aking ala-ala Ang mga pangaral mong lagi kong dala, Aking dunong, ikaw ang unang naghasa Sa puso't-isipan ika'y nag-iisa. Pagpapatawad, sayo'y napakadali Pagmamahal mo, ako'y walang masukli, Aking napagtanto, sarap man o pait Ang aking Ina'y sadyang walang kapalit!!!

Pangarap: Sa trabaho natupad

I. Apat na taon ang sadyang kaybilis na lumipas, Ngunit mga ala-ala'y di kailanman kukupas. Tandang tanda ko pa ng sa ibex ay mapadaan, Wala sa plano pero nakipagsapalaran. II. Buong araw na proseso ang matyagang inintay Pagot, puyat, kaba, at mga binting nangangalay. Lahat ay napawi nang kontrata'y pinirmahan, Ni hindi na makatulog sa sobrang kasiyahan. III. Trabaho, yun lang ang alam ko na aking gagawin, Pero pangarap ko'y dito ko pala tutuparin. Pagsayaw taon taon ay aking inaabangan, Libreng bakasyon bilang VIP, akin ding nakamtan. IV. Isa sa mga pangarap kong dito lang natupad, Ang sana ay sa ibang bansa ako ay mapadpad. Lahat ng gastos ng tatlong araw ay sagot nila, Mag-isa man ako, ligaya ko'y di mawawala. V. Sa mga bagong aplikanteng ngayo'y nangangarap, Wag mawalan ng pag-asa, sa kabila ng hirap. Pagka't ang sakripisyo, maliit man o malaki, Balang araw ay iyo ding maipagmamalaki.

Makasalanang Saging

Sa unang sulyap, ang mga mata ko ay biglang nabighani, Sa iyong mga saging na animo'y mga bagong ani. Paumanhin, sapagka't ako'y di isang makata, Pero dahil dito, ako ay nakagawa ng talata. Napakakinis tulad ng binti ng isang binibini Parang isang leeg na kaysarap lagyan ng chikinini Marapatin mo sana, ika'y hubaran ng dahan dahan Pangako ko sayo, labi ko'y iyo ng malalasahan. Nakakapanghinayang, ika'y hindi nila matitikman, Pilitin man ako, sila'y akin pading pagdadamutan. Mawalan man ako ng kaibigan, wag ka lang maagaw, Ahhhh, ahhhh, ahhhhh, kada tikim, yan ang aking laging sinisigaw! Oh saging! anong klaseng hiwaga ang iyong dulot sakin? Kayraming sakripisyo,upang ika'y mapasakin. Ako sana'y pagbigyan pagka't ako ay mababaliw na Makasalanang saging, isipin ka lang, ako'y nganga na!