Posts

Showing posts from September, 2019

Walang Kapalit

Akin ngang buhay, ikaw ang pinagmulan Syam na buwan sa'yong tiyan ako'y lulan, Mula pagkabata, ikaw ang naggabay Kaya nararapat lang sayo'y magpugay. Sa aking tula nais kong malathala Puso mong makinang, daig pa ang tala, Mahalaga ka sakin tulad ng hangin Kaya't habang buhay kang pasisiyahin. Sariwa pa nga sa aking ala-ala Ang mga pangaral mong lagi kong dala, Aking dunong, ikaw ang unang naghasa Sa puso't-isipan ika'y nag-iisa. Pagpapatawad, sayo'y napakadali Pagmamahal mo, ako'y walang masukli, Aking napagtanto, sarap man o pait Ang aking Ina'y sadyang walang kapalit!!!

Pangarap: Sa trabaho natupad

I. Apat na taon ang sadyang kaybilis na lumipas, Ngunit mga ala-ala'y di kailanman kukupas. Tandang tanda ko pa ng sa ibex ay mapadaan, Wala sa plano pero nakipagsapalaran. II. Buong araw na proseso ang matyagang inintay Pagot, puyat, kaba, at mga binting nangangalay. Lahat ay napawi nang kontrata'y pinirmahan, Ni hindi na makatulog sa sobrang kasiyahan. III. Trabaho, yun lang ang alam ko na aking gagawin, Pero pangarap ko'y dito ko pala tutuparin. Pagsayaw taon taon ay aking inaabangan, Libreng bakasyon bilang VIP, akin ding nakamtan. IV. Isa sa mga pangarap kong dito lang natupad, Ang sana ay sa ibang bansa ako ay mapadpad. Lahat ng gastos ng tatlong araw ay sagot nila, Mag-isa man ako, ligaya ko'y di mawawala. V. Sa mga bagong aplikanteng ngayo'y nangangarap, Wag mawalan ng pag-asa, sa kabila ng hirap. Pagka't ang sakripisyo, maliit man o malaki, Balang araw ay iyo ding maipagmamalaki.