Posts

Showing posts from 2022

KAIBIGAN LANG PALA

Labis akong nangungulila Sa tuwing ika'y aking naaalala Na para bang sa kahit anong tula Sakit ng damdamin ko'y aking dala. Sisihin ko man ang aking sarili Dahil sa desisyon ako'y nagkamali Kahit ako'y hindi mo pinili Dasal ko, sana ika'y manatili. Gustuhin ko mang balikan ang nakaraan Alam kong wala ng paraan Ngunit sakaling ako'y mapagbigyan Lahat ng oras ko'y sayo ilalaan Sana pala ako'y di nalang nagpadala Sa damdamin kong di ko maikaila  Para akong batang hindi na nadala Kahit ipinamukha na saking ako'y KAIBIGAN LANG PALA